Pera ng mga miyembro ng Kapa, hindi na maiibalik pa sa kanila

By Chona Yu June 16, 2019 - 01:03 PM

Hindi na ibabalik ng Kapa Community Ministry International Inc. ang perang ibinigay ng mga miyembro nito.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Danny Mangahas, convener ng Ahon sa Kahirapan Movement ng Kapa Ministry, malinaw kasi na hindi investment kundi love offering ang perang ibinigay ng mga miyembro sa grupo ni Pastor Joel Apolinario.

Kapag nagbigay aniya ang isang miyembro, wala na itong aashang kapalit o wala nang aasahang babawiin.

Gayunman, dahil sa matulungin umano si Pastor Apolinario, ibinabalik ng kapa ministry ang 30% na blessing sa halaga ng love offering.

Ayon kay Mangahas, dahil sa ipinatigil na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Kapa Ministry, itinigil na rin nila ang pagbibigay ng “blessing” sa kanilang mga miyembro.

Kasabay nito, sinabi ni mangahas na may mlakihang rally na gagawin ngayong araw ang kapa ministry sa taytay rizal para ipakita ang pagiging solid ng grupo.

TAGS: Danny Mangahas, Kapa Community Ministry International Inc., Pastor Joel Apolinario, Rodrigo Duterte, Danny Mangahas, Kapa Community Ministry International Inc., Pastor Joel Apolinario, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.