NBI hindi maipo-proseso ang paglaya ng may-ari ng WellMed ngayong Linggo

By Clarize Austria June 16, 2019 - 12:54 PM

Nagpaliwanag ang isang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakasara ang kanilang mga opisina tuwing weekends kung kaya’t hindi maipo-proseso ang paglabas ng may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Bryan Christopher Sy.

Ito ay sa kabila ng pagpapyansa ni Sy at utos ng isang korte sa Maynila sa pakawalan na ang suspek.

Si Sy ay sangkot sa mga ghost dialysis claims sa Philhealth kung saan binabayaran sa kaniyang clinic kahit patay na ang mga pasyenteng dapat gagamit ng treatment.

Pinayagan ni Judge Jerome Jimenez sa Metropolitan Trial Court Branch 6 na makapagpyansya ng P72,000.

Ayon sa abugado ni Sy na si Rowell Ilagan na dapat ng palayain ng NBI ang kanyang kliyente dahil nakapagbayad na ito ng pyansa.

Bagamat nakapagpyansa, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa isyu at pinaghahanap pa rin ang pitong kasabwat ng mga suspek sa naturang krimen.

TAGS: Bryan Christopher S, Metropolitan Trial Court Branch 6, National Bureau of Investigation (NBI), wellmed dialysis center, Bryan Christopher S, Metropolitan Trial Court Branch 6, National Bureau of Investigation (NBI), wellmed dialysis center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.