NTC pinapurihan ng DICT sa ipesiyenteng serbisyo-publiko
Pinapurihan ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio, Jr. kamakailan ang National Telecommunications Commission (NTC) na pinamumunuan ni Commissioner Gamaliel A. Cordoba dahil sa mahusay na pagbibigay ng serbisyo publiko.
Ibinahagi ni Rio sa kanyang Facebook page ang dokumento mula sa Civil Service Commission (CSC) na nagko-congratulate sa NTC dahil sa papuri mula sa isang Sam Florentino na naiparating sa CSC Contact Center ng Bayan (CCB).
Nabatid na si Florentino ay kumuha kamakailan ng Radio Operator Examination sa NTC, kung saan ay dumaan siya sa internal processes ng ahensiya para sa naturang pagsusulit.
“I would like to commend this government agency for their efficient service which I have personally experienced” sabi ni Florentino.
Aniya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinuri niya ang isang institusyon ng pamahalan.
“Parang nasanay na ako sa magulong sistema sa mga government office na napupuntahan ko. But this time, I told myself I need to commend these government people for a job well done. We all need such appreciation.” Dagdag pa ni Florentino.
Unang ipinunto ni Florentino ang NTC’s seminar/orientation na ginanap dalawang linggo bago ang pagsusulit na aniya ay maayos at sa eksaktong oras nagsimula o alas 8:00 impunto.
Binanggit din niya na maging ang mga guwardiya ng NTC ay tiniyak na magiging maayos ang proseso at alam ang tamang pag-aasal sa pagtanggap ng mga may sadya sa ahensiya.
At matapos makapasa ay ipinalabas na kaagad ang resulta ng pagsusulit ng mas maaga kaysa sa itinakdang petsa.
Ang resulta ng eksaminasyon ay ibibigay sa mga examinees sa “first- come, first-serve basis”.
Ibinahagi rin nito na may mga card numbers din na ibinibigay para masiguro na magiging maayos ang proseso ng transaksiyon sa NTC.
“I just sat there relaxed and waited for my number to be called. Very smooth transaction. Very orderly. Personnel were efficient and courteous.Sana lahat po ng government office ay ganito.”, saad pa ni Florentino.
Tinapos ni Florentino ang kanyang report sa pagsasabing “For sure, there is leadership behind these and allow me to congratulate these government personnel for their hard work and dedication to bring service to us.
Maraming salamat po sa inyong lahat sa NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION.”
Samantala, umaasa naman si CSC Director IV Maria Luisa Salonga-Agamata, na ang komendasdyon ni Florentino sa NTC ay magsisilbing inspirasyon sa mga kawani nito para lalo pang pagbutihin ang maayos, magalang at episiyenteng paglilingkod sa lahat ng kanilang mga kliyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.