Tuluyan nang humina ang bagyong ‘Nona’ at naging isa na lamang tropical storm habang tinatahak ang direksyon patungong Hilagang Luzon sa bilis na 8 kph.
Ayon sa 11 pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang tropical storm Nona sa 75 kilometro Kanluran ng Iba, Zambales. May taglay na lamang itong lakas ng hangin na aabot sa 85 kph at pagbugso na 100 kph.
Samantala, inalis na ang mga nakataas na Public Storm Warning Signals No. 2 at 3 sa iba’t ibang lugar, habang nasa ilalim pa rin ng Signal No.1 ang Pangasinan at Zambales.
Bagaman humina na ito, asahan pa rin ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga lugar na nasasakop ng 250 kilometer diameter nito na posibleng dala rin ng hanging amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.