Pangulong Duterte magpapatawag ng pulong sa salpukan ng barko ng Tsina at Pilipinas sa Recto Bank
Magpapatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng special cabinet meeting sa Lunes kaugnay ng isyu sa pagbangga ng barko ng Tsina sa mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.
Ayon kay Secretary of Defense Delfin Lorenzana, gaganapin ang cabinet meeting matapos ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa 121st anniversary ng Philippine Navy sa Sangley Point sa Cavite City.
Base sa abiso ng Malakanyang, alas kwatro ng hapon sa Lunes, dadalo ang Pangulo sa anibersaryo ng Philippine Navy.
Partikular na pag-uusapan sa cabinet meeting ay ang pagsalpok ng barko ng Tsina na Yuemaobinyu 42212 sa Filipino fishing vessel na F/B Gem-Ver noong June 9 kung saan 22 Pilipinong mangingisda ang naiwang palutang-lutang sa karagatan.
Ang mga naabandonang tao ng bangka ng Pilipinas ay sinagip lamang ng mga Vietnamese fishing vessel.
Sa unang pahayag ng embahada ng Tsina, sinabi nito na aksidente lamang ang nangyari at natakot lamang umano ang barko nila na mabangga ng pito o walong bangka ng pilipinas.
Taliwas naman ito sa paniniwala ng mga Pilipinong mangingisda na sinadya ng barko na sila ay banggain.
Naghain na ng diplomatic protest ang pilipinas laban sa china dahil sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.