Scarlet Snow Belo, ipinakita sa video ang kaniyang busy schedule

By Clarize Austria June 16, 2019 - 08:28 AM

Ipinakita ni Scarlet Snow Belo ang kaniyang abalang schedule sa buong linggo sa kanyang Instagram post.

Habang hawak ang isang white board, sinabi nito ang kanyang mga gagawin simula pasok niya sa eskwelahan ng Lunes hanggang araw ng Linggo.

Bukod sa pagpasok sa school, nag-aaral rin ang apat na taong gulang na si Scarlet ng piano, swimming, at Chinese studies.

Hindi rin niya nakalimutan ang magbigay ng oras para sa pagsisimba at pamamasyal kasama ang pamilya.

Ayon pa sa post, maaari pa umanong isingit ang asignaturang math, logic, o kaya naman ay philosophy.

TAGS: abalang schedule, Belo, Scarlet Snow Belo, abalang schedule, Belo, Scarlet Snow Belo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.