21 drug suspects timbog sa buy-bust operations sa QC
Arestado ang 21 na drug suspects sa magkahiwalay na buy-bust operations ng Quezon City Police District (QCPD) ngayong weekend.
Ayon sa QCPD, nakuha sa mga suspek ang 38 na maliliit na transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may halagang P95,080.00.
Nakakuha rin ang mga otoridad ng tatlong sachet ng umano’y marijuana, ibat-ibang drug paraphernallia, buy-bust money at tatlong cellphone.
Ayon kay QCPD director Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., dalawa sa 21 na suspek ay nasa kanilang drug watch list at dalawa ang bagong identified drug personalities.
Aniya, ang nasabing operasyon ay alinsunod sa anti-criminality at anti-drug campaign ng pulisya sa lungsod.
Nagsanib-pwersa anya ang lahat ng Station Drug Enforcement Units ng Quezon City Police Stations.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.