Warriors planong alukin ng maximum contracts sina Thompson at Durant

By Len Montaño June 16, 2019 - 02:43 AM SHARE(S):

Plano ng Golden State Warriors na alukin sina Kevin Durant at Klay Thompson ng limang taong maximum contracts.

Sa report ng ESPN, hindi umano makakahadlang sa hakbang ng Warriors ang achilles injury ni Durant habang torn ACL naman kay Thompson.

Parehong natamo ng dalawang players ang kanilang injuries sa NBA finals kung saan Toronto Raptors ang nagkampeon.

Sa June 30 ay magiging unrestricted free agent na si Thompson.

Habang si Durant ay maaaring  tanggihan ang $31.5 million player option o kaya ay maging free agent din.

Kung muling pipirma ng kontrata ang dalawa sa Warriors, nasa $350 million ang magiging gastos ng koponan para sa sweldo at luxury taxes nina Durant at Thompson.

 

TAGS: free agent, golden state warriors, injury, Kevin Durant, Klay Thompson, luxury taxes, maximum contract, sweldo, free agent, golden state warriors, injury, Kevin Durant, Klay Thompson, luxury taxes, maximum contract, sweldo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.