Jake Cuenca kay Kylie Verzosa: ‘Mahal na mahal ko siya’

Kylie Verzosa IG photo

Kahit walang kumpirmasyon sa kanilang relasyon, hayagang sinabi ng aktor na si Jake Cuenca na mahal na mahal niya si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Sa social media ay makikita ang mga larawan nina Jake at Kylie na sweet sa bawat isa.

Pero mas gusto ni Jake na dalawa sila ni Kylie na opisyal na mag-anunsyo ng kanilang ugnayan.

Gayunman ay sinabi ng aktor na mahal na mahal niya ang beauty queen.

Ayon kay Jake, mas handa na siya ngayon sa isang relasyon.

Masaya ito na nakilala si Kylie ngayong siya ay 31 anyos na kung kailan mas mature na siya pagdating sa relationship.

Kumpyansang sinabi ng binata na mas disiplinado siya ngayon at alam niya na maaalagaan niya ang dalaga.

Nang tanungin kung si Kylie na ang “the one,” walang gatol na “yes” ang sagot ni Jake.

Dagdag ni Jake, pitong buwan na silang nanagdi-date ni Kylie.

Naging close ang dalawa sa set ng pelikulang “Los Bastardos.”

 

Read more...