Lalaki arestado sa pag-abuso sa magkapatid sa Valenzuela

By Noel Talacay June 16, 2019 - 01:52 AM

PIO NCRPO photo

Arestado ang isang lalaki matapos itong ireklamo ng rape ng isang babae at panghihipo sa kanyang kapatid sa Valenzuela.

Ang suspek ay nakilalang si Rodelio Dela Pina, 49-anyos, at residente ng Angat, Bulacan.

Ayon sa biktimang itinago sa alyas Noime, 22 anyos, nangyari ang paggahasa sa kanya alas-12:01, Huwebes ng madaling araw, June 13.

Sa imbestigasyon ay nalaman na ang kapatid ni Noime na nakilalang si alyas Jeralyn, 15-anyos at isang Grade 7 ay biktima rin ng suspek.

Ayon sa pulisya, sa parehong lugar noong June 8 bandang alas-9:00 ng gabi, hinawakan umano ng suspek ang maseselang bahagi ng katawan ng dalagita.

Nakakulong ang suspek sa Valenzuela Police Station at nahaharap sa patong-patong na mga kaso.

 

TAGS: Lalaki arestado, magkapatid, nanghipo, pag-abuso, rape, valenzuela, Lalaki arestado, magkapatid, nanghipo, pag-abuso, rape, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.