2 matanda sugatan sa aksidente sa Cebu

CDN Digital photo

Sugatan ang dalawang matanda nang tumagilid ang kanilang sasakyan matapos masagi ang mga bakal na nakausli sa likurang bahagi ng isang 10-wheeler truck sa Cebu City.

Ayon kay Police Staff Sergeant Ed Bacalso ng Mabolo Police Station, nangyari ang aksidente sa S. Osmeña Road sa North Reclamation Area pasado alas 8:00 Sabado ng gabi.

Nagtamo ng minor injuries ang driver na si Sixto Pahang at pasahero nitong si Cane Gonzales, parehong 70 anyos.

Tinutugis ng pulisya ang driver ng truck na hindi tumigil sa kabila ng aksidente.

Inalam sa CCTV sa lugar ang posibleng pagkakilanlan ng driver ng truck.

Nagdulot naman ng trapik sa lugar ang aksidente.

 

Read more...