2 patay sa banggaan sa Isabela

By Marlene Padiernos June 16, 2019 - 12:08 AM

Dalawa ang patay sa salpukan ng bus at tricycle sa national highway sa Gamu, Isabela araw ng Sabado.

Ayon sa tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office na si Police Capt. Frances Littaua, agad na namatay ang driver at isa nitong pasahero nang sumalpok ang minamaneho nitong tricycle sa isang pampasaherong bus sa barangay Guibang.

Isinugod naman sa ospital ang isa pang pasahero ng tricycle dahil sa mga tinamo nitong sugat sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon, nag-overtake umano ang Florida GV bus sa sinusundan nitong sasakyan ng mabangga nito ang tricycle na papasok na sana sa junction.

Nahaharap sa patong-patong na mga kaso ang bus driver na nasa kustodiya ng Gamu Police Station.

 

TAGS: 2 patay, aksidente, banggaan, Florida Bus, isabela, nag-overtake, Tricycle, 2 patay, aksidente, banggaan, Florida Bus, isabela, nag-overtake, Tricycle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.