Lider ng Hong Kong sinuspinde ang ‘extradition bill’ at nag-sorry

Sinuspinde ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam ang panukalang batas na naging mitsa ng malaking protesta sa bansa.

Matapos sabihin ang indefinite suspension ng extradition bill ay humingi ng paumanhin si Lam sa publiko

Ayon sa pinuno ng Hong Kong, nais ng mga tao ang payapa at kalmadong paligid.

Napapanahon na rin anya na maging responsable ang gobyerno sa agarang pagbabalik ng katahimikan sa komunidad.

Hakbang ito ni Lam bilang tugon sa malawakang protesta laban sa bill na magbibigay-daan sana sa mga otoridad na dalhin sa mainland China ang mga suspek para litisin sa korte.

Maraming mamamayan ng Hong Kong ang nag-aalala na dahil sa extradition bill ay lalong mawawala ang kanilang kalayaan.

Nag-sorry din ang pinuno ng Hong Kong dahil anya sa mga kabiguan ng kanyang pamahalaan na kumbinsihin ang publiko ukol sa bill.

Gayunman sinabi ni Lam na hindi niya binabawi ang panukalang batas kundi magkakaroon ito ng tapat at mapagkumbabang tugon sa pagtanggap ng mga batikos.

 

Read more...