Pilipinas iaapela sa IMO ang nangyari sa Recto Bank

By Len Montaño June 15, 2019 - 10:48 PM

Inutusan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang embahada ng Pilipinas sa London na iapela sa London-based International Maritime Organization (IMO) ang “hit and run” na nangyari sa pagitan ng barko ng China at bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Locsin, malaya ang China na gawin ang nais nito ukol sa insidente pero igigiit anya ng Pilipinas ang sarili nitong bersyon.

Binigyan ng kalihim ng authority ang embahada ng bansa sa London na umapela sa IMO.

“China is free to do the same. We press on with our version. I authorized London PE to appeal to IMO in London,” tweet ni Locsin araw ng Sabado.

May tugon din ang opisyal sa bersyon ng China batay sa pahayag ng Chinese Embassy sa Manila.

“Noted” anya ang “proper official response” sa bersyon ng China na walang hit and run na nangyari.

May iba anyang gustong sabihin si Senator Kiko Pangilinan na nagsabing ang bersyon ng China ay peke gaya ng pag-angkin ng Beijing sa mga teritoryo sa South China Sea.

Sa pahayag araw ng Biyernes ay sinabi ng Chinese Embassy na kinuyog ang barko ng China ng pito hanggang walong bangka ng mga Pilipino at sinubukan pa umano nilang iligtas ang 22 mangingisdang Pinoy,

Nag post din si Lacson ng statement ng DFA sa panawagan ng IMO sa mga bansang kanilang miyembro at ng United Nations na protektahan ang buhay sa karagatan sa oras ng disgrasya.

 

 

 

 

TAGS: 22 mangingisda, apela, Chinese Embassy in Manila, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, hit and run, International Maritime Organization, london, Philippine Embassy, Recto Bank, South China Sea, West Philippine Sea, 22 mangingisda, apela, Chinese Embassy in Manila, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, hit and run, International Maritime Organization, london, Philippine Embassy, Recto Bank, South China Sea, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.