MMDA hihingi ng tulong kay Duterte para sa benepisyo ng mga traffic enforcers

By Den Macaranas June 15, 2019 - 07:25 PM

Inquirer file photo

Nangako ang pamunuan ng Manila Development Authority (MMDA) na gagawan nila ng paraan para mabigyan ng hazard pay at dagdag na benepisyo ang kanilang mga traffic enforcers.

Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na personal niyang kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa nasabing bagay.

Nauna nang sinabi ng grupo ni Emmanuel Baja ng National Institute for Health ng the University of the Philippines na marami sa mga traffic enforcers ng MMDA ang nagkakasakit.

Ito ay dahil sa mataas na led content sa kanilang mga dugo dulot ng grabeng polusyon sa mga lansangan..

Marami rin sa kanila ang dumaranas ng high blood pressures bukod pa sa panganib ng matagan na exposure sa init ng araw at polusyon.

Sinabi ni Lim na karamihan sa kanilang mga traffic enforcers ay casual employees ng ahensya samantalang ang iba naman ay job-order employees.

Pero nanindigan ang dating heneral ng militar na hindi ito dahilan para masangkot sa katiwalian ang kanyang mga tauhan.

TAGS: danilo lim, duterte, hazard, lead, mmda, National Institute for Health, up, danilo lim, duterte, hazard, lead, mmda, National Institute for Health, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.