May-ari ng WellMed nagbayad ng piyansa pero hindi pinakawalan ng NBI

By Den Macaranas June 15, 2019 - 03:44 PM

Inquirer file photo

Nakapaglagak na ng kanyang piyansa si Bryan Sy, isa sa mga incorporator ng WellMed Dialysis Center.

Sinabi Atty. Rowell Ilagan, abogado ni Sy na nagbayad ng P72,000 na  piyansa ang kanyang kliyente para sa kasong estafa through falsification of documents.

May kaugnayan ito sa nabistong pagsingil ng WellMed ng kabayaran sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) kahit namatay na ang ilan sa kanilang mga pasyente na sumasailalim sa dialysis.

Pero nagtataka ang kampo ni Sy dahil hanggang ngayon ay ayaw siyang payagan na makalabas sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Maynila.

Sinabi ng naturang abogado na ayaw hindi tinanggap ng NBI ang hawak nilang release order mula sa hukuman.

Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na arestuhin ang mga opisyal ng WellMed.

Ang nasabing kontrobersiya rin ang nagtulak na pangulo na utusang magsumite ng kanilang courtesy resignation ang mga opisyal ng Philhealth.

TAGS: bryan sy, dialysis, DOJ, duterte, NBI, WellMed, bryan sy, dialysis, DOJ, duterte, NBI, WellMed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.