10,000 bagong TNVS slots bukas pa rin ayon sa Grab

By Den Macaranas June 15, 2019 - 02:31 PM

Hinikayat ng ride-hailing service Grab Philippines ang 5,000 sa kanilang mga driver-partners na nadeactivate ang pansamantalang prangkisa na samantalahin ang mga bagong transport network vehicle services (TNVS) slots.

Sinabi ng Grab na 10,000 ang bagon slots na binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa TNVS.

Ipinaliwanag ni Grab Philippines spokesperson Nicka Hosaka na 3,000 TNVS sa kabuuang 8,000 TNVS na nakatakdang madeactivate noong isang linggo ay hindi natuloy dahil sa nakapagsumite sila ng kaukulang mga documentation.

Sa kasalukuyan ay aabot sa 45,000 ang aktibong TNVS sa ilalim ng Grab Philippines.

Kapag nabuksan ang dagdag na 10,000 slots ay maaabot na ng LTFRB ang kanilang target na 65,000 TNVS cap para taong ito.

Ipinaliwanag rin ng Grab na mula noong Enero ay umabot na sa 15,000 TNVS ang kanilang nadeactivate dahil sa ilang mga kaso at kabiguang magsumite ng kaukulang documentation.

Inamin rin ng Grab na pangunahing resulta ng mabagal na pag-book ng mga pasahero ay ang kakulangan ng mga sasakyan mula sa kanilang hanay.

TAGS: BUsiness, documentation, Grab, ltfrb, TNVS, BUsiness, documentation, Grab, ltfrb, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.