Kapa International “wait and see” pa rin sa kaso ng SEC
Hinihintay ng Kapa Community International Inc. ang pagsasampa ng kaso ng Securities and Exchange Commission o SEC sa kanilang samahan kaugnay ng diumano’y investment scams.
Ayon kay Danny Mangahas, miyembro ng Kapa at convenor ng Ahon sa Kahirapan Movement, isang linggo na nilang inaabangan ang isasampang kaso kay Kapa founder Joel Apolinario.
Nais na aniya ng grupo na makapagsumite ng kanilang pormal na sagot sa mga paratang at dumaan na sa tamang proseso.
Samantala, ginagalang ng samahan ang inilabas na lookout bulletin order ng bureau of immigration at Department of Justice laban sa mga pinuno ng Kapa at tatlong opistal ng Alabel-Maasim Credit Cooperative (ALAMCCO).
Matatandaang inilabas kahapon ng DOJ ang kautusan upang pigilang makalabas ng bansa ang mga sangkot sa investment scam habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.
Magugunitang si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos sa pagsasampa ng kaso sa mga opisyal ng Kapa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.