China nanindigan na hindi “hit and run” ang nangyari sa mga mangingisdang Pinoy

By Jimmy Tamayo June 15, 2019 - 11:45 AM

Kinumpirma ng Chinese Embassy na isang Chinese fishing boat ang sangkot sa panibagong insidente sa West Philippine Sea.

Pero nanindigan sila na hindi “hit and run” ang nangyari kung saan sinasabing hindi nito tinulungan ang mga mangingisdang Filipino sa lumubog na fishing boat malapit sa Reed Bank o Recto Bank.

Sa statement na inilabas ng embahada Biyernes ng gabi,  kinilala nito ang ang Chinese fishing boat na Yuemaobinyu 42212 mula sa Guangdong Province.

Iginiit pa nila na tinangkang tulungan ng mga Chinese fishermen ang mga mangingisdang Filipino pero pinalibutan umano sila ng nasa 7 hanggang 8 Filipino fishing boats.

Dahil anila dito, natakot ang mga Chinese fishermen kaya umatras na lamang ang mga ito.

Habang papalayo sa bangka ng mga Pinoy, dito na anila tumama ang steel cable ng lighting grid sa tagiliran ng bangka dahilan para tumagilid ang Filipino fishing boat at pinasok din ito ng tubig.

Nangako naman ang pamahalaan ng China na magkakaroon ng maingat na paghawak sa kaso upang hindi makaapekto sa ugnayan ng dalawang bansa

TAGS: Guangdong Province, Reed Bank o Recto Bank, West Philippine Sea, Yuemaobinyu 42212, Guangdong Province, Reed Bank o Recto Bank, West Philippine Sea, Yuemaobinyu 42212

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.