Publiko hinimok na tumulong sa kampanya kontra African Swine Fever

By Clarize Austria June 15, 2019 - 11:21 AM

Inquirer file photo

Nakiusap sa publiko ang Bureau of Animal Industry (BAI)  na ipagbigay-alam sa mga otoridad kung may nakitang mga produktong ibinebenta sa merkado na galing sa mga bansang apektado ng African Swine Flu o A-S-F.

Kasunod ito ng pagkakasamsam sa Clark International Airport ng ilang mga delata at produktong baboy na galing kung saan 37 sa 300 samples ay nagpositibo sa nasabing virus.

Ayon kay Dr. Joy Lagayan, tagapagsalita ng B-A-I, wala pang naitalang kaso ng ASF sa bansa ngunit agad nilang bineberipika kapag mayroon silang natatanggap na ulat kahit “tsismis lang”.

Aniya, na walang epekto ang nasabing sakit sa mga tao at ibang hayop pero delikado ito sa mga baboy.

Kung sakaling magkaroon ng kaso ng virus sa bansa ay mahihirapan ang hog industry.

Matatandaang pinagbawal ng Food and Drug Administration at Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga produkto at karneng baboy sa mga bansang apektado nito kabilang ang China, Belgium, at South Africa.

TAGS: African Swine Fever, Belgium, Bureau of Animal Industry, China, south africa, African Swine Fever, Belgium, Bureau of Animal Industry, China, south africa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.