Founder ng Kapa Ministry nagmakaawa kay Duterte na huwag silang ipaaresto

Youtube/Screengrab

Muling umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Kapa Ministry International na huwag silang ipasara.

Sa pamamagitan ng social media, umapela si Pastor Joel Apolinario sa pangulo na maawa sa kanilang mga miyembro na mawawalan ng trabaho.

Ayon kay Apolinario nasa mahigit isang libong empleyado ang nanganganib na mawalan ng trabaho sakaling ipatigil ang kanilang operasyon.

Kasabay nito, pinayuhan niya ang kanilang mga miyembro na huwag pipirma sa anumang dokumento na ilalatag sa kanila ng NBI.

Sa ngayon, balak ni Apolinario na mangalap ng testimonya sa kanilang mga miyembro kaugnay sa magandang epekto ng Kapa Ministry sa kanilang buhay.

Read more...