Guro at Grade 6 pupil sugatan sa pagsabog sa Zamboang Del Norte

By Jimmy Tamayo June 15, 2019 - 09:35 AM

Sugatan ang isang guro at isang grade 6 pupil makaraang sumabog ang isang rifle granade sa loob ng isang paaralan sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang biktima na sina Desiderio Pizon Acain, 54- anyos na guro ng Ganase Elementary School at John Michael Fabraquel Baunillo, 12 anyos na grade 6 pupil sa nasabing paaralan.

Ayon kay Police Regional Office 9 director Police Brigadier General Froilan Quidilla, base sa inisyal na imbestigasyon,  pinag-lalaruan ng bata ang granada nang bigla itong sumabog.

Napinsala din ang bahagi ng isang silid aralan ng naturang paaralan.

Agad namang dinala sa Liloy Integrated Hospital ang dalawang nasugatan.

TAGS: Desiderio Pizon Acain, grenade, John Michael Fabraquel Baunillo, Liloy, Zamboanga del Norte., Desiderio Pizon Acain, grenade, John Michael Fabraquel Baunillo, Liloy, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.