Bitay naghihintay na parusa sa Kuwaiti police na humalay sa isang Pinay

Inquirer file photo

Tiniyak ng Kuwaiti Embassy na ginagawa na ng kanilang pamahalaan ang kaukulang aksyon para maaresto ang pulis na sinasabing gumahasa sa isang OFW sa naturang bansa.

Ang pagtitiyak ay ginawa ni Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh sa pakikipag-pulong niya kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.

Sinabi pa ni Althwaikh na naglabas na ng “an all-points bulletin” sa lahat ng police at immigration post sa kanilang bansa maging sa Gulf Cooperation Council member states laban sa 22-anyos na Kuwaiti police office na nakilalang si Fayed Naser Hamad Alajmy.

Dagdag pa ni Ambassador Althwaikh ipinagharap na ang pulis ng kasong rape sa ilalim ng Kuwait Penal Law.

Si Alajmy ang sinasabing tumulong sa Filipina maid para sa finger scanning registration sa airport nang dumating ito doon noong June 4.

Sa impormasyon ng Philippine Embassy, dinukot at inabuso ng pulis ang pinay.

Kung mapatutunayan ang krimen si Alajmy ay maaring maharap sa parusang kamatayan sa ilalim ng Kuwaiti laws.

Read more...