Carpio: Bangka ng mga Pinoy sinadyang banggain ng barko ng China

By Den Macaranas June 15, 2019 - 09:24 AM

Inquirer file photo

Naniniwala si Senior Associate Justice Antonio Carpio na sinadya ng Chinese maritime militia vessel na banggain ang Filipino fishing vessel na F/B Gimver 1 sa bahagi ng Recto Bank sakop ng West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ng opisyal na gawa sa bakal ang hull o ang unahang bahagi ng Chinese vessel na sadyang ginawa bilang pambangga sa mas maliit na mga bangka.

Wala rin umanong mangingisda ang gagawa ng nasabing bagay sa kanyang kapwa mangingisda kahit na mula sila sa magkaibang bansa ayon pa kay Carpio.

Tahasang paglabag rin ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ayon kay Carpio kung saan ay ibinigay sa bansa ang karapatan sa bahaging iyun ng West Philippine Sea.

Sinabi rin ni Carpio na dapat gumawa ng konkretong hakbang ang pamahalaan para hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.

Nauna dito ay naghain na ng diplomatic protest ang pamahalaan sa China kaugnay sa nasabing pangyayari pero naging magaan lamang dito ang tugon ng Beijing.

TAGS: Justice Antonio Carpio, UNCLOS, United Nations Convention on the Law of the Sea, Justice Antonio Carpio, UNCLOS, United Nations Convention on the Law of the Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.