4 na plastic bag ng ecstasy, cocaine nakuha ng PDEA sa BGC, Taguig

By Jong Manlapaz June 15, 2019 - 05:30 AM

File photo

Apat na plastic bag na naglalaman ng ecstasy ang nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa operasyon sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City Sabado ng madaling araw.

Maliban sa ecstasy, nakakuha rin ng cocaine ang mga operatiba ng PDEA.

Ang mga droga ay nakita sa loob ng isang safety deposit box sa isang hindi pinangalanang sikat na hotel sa BGC.

Pero walang naarestong suspek ang ahensya.

Sa bisa ng search warrant, pinasok ng PDEA ang isang lugar sa hotel kung saan nakumpiska ang nasabing mga droga.

Nagsagawa ang PDEA ng inventory sa mga nakumpiskang bawal na gamot.

 

TAGS: BGC, cocaine, ecstasy, hotel, PDEA, safety deposit box, taguig, BGC, cocaine, ecstasy, hotel, PDEA, safety deposit box, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.