UN chief umapela ng hiwalay na imbestigasyon sa pag-atake sa tanker sa Gulf of Oman
Nanawagan si United Nations Secretary General Antonio Guterres ng independent investigation para matukoy kung sino ang responsable sa pag-atake sa dalawang oil tanker sa Gulf of Oman.
Sinisi ng Estados Unidos ang Iran sa pag-atake, bagay na pinalagan ng Tehran.
Sa gitna ng tensyon, sinabi ni Guterres na handa siyang mamagitan kung nais ng dalawang bansa.
Pareho nang sinabi ng US at Iran na walang silang interes na maglunsad ng bagong giyera.
Pero nag-aalala si Guterres na mauwi sa gulo ang naturang insidente.
Una rito ay kinondena ni Guterres ang pag-atake sa mga oil tanker at nais nito ang mahinahon na pagresolba sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.