Canada nagdiwang sa unang NBA title ng Raptors

By Len Montaño June 15, 2019 - 03:04 AM

AP photo

Dumagsa at nag-ingay ang mga mamamayan ng Canada sa mga kalsada bilang pagdiriwang sa kauna-unang NBA championship ng Toronto Raptors.

Nakuha ng Raptors ang kampeonato matapos talunin ang Golden State Warriors sa Game 6.

Libo-libo ang pumunta sa Jurassic Park, ang fan zone sa labas ng downtown arena at sinaksihan ang pagsungkit ng Raptors sa NBA title.

Ang iba naman ay kinanta ang awit ng Queen na “We are the champions” habang mayroong mga umakyat sa mga puno at nawagayway ng kanilang mga damit.

Ilang kalsada ang isinara para sa nagdiwang ng mga tao na hind inalintana ang pag-ulan sa gitna ng selebrasyon.

Samantala, isa si Prime Minister Justin Trudeau sa mga nagdiwang sa panalo ng Raptors.

Sa kanyang tweet ay sinabi ni Trudeau na makikita sa panalo ng Raptors kung paano sila sa “North” at may post pa ito ng larawan na nanood ng laro kasama ang kanyang mga anak at aso.

 

TAGS: canada, golden state warriors, nag-ingay, nagdiwang, NBA title, Prime Minister Justin Trudeau, Toronto Raptors, We are the champions, canada, golden state warriors, nag-ingay, nagdiwang, NBA title, Prime Minister Justin Trudeau, Toronto Raptors, We are the champions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.