Pamilya ni Eddie Garcia, hindi pinatatanggal ang life support ng aktor
Itinanggi ng pamilya ng beteranong aktor na si Eddie Garcia na pinayagan na nilang tanggalin ang life support nito.
Sa pahayag ng tagapagsalita ng pamilya na si Dr. Tony Rebosa, nilinaw na hindi sila nagbigay ng authorization sa naturang hakbang.
Wala rin umano silang consent o hindi sila nagpahayag ng pagpayag na tanggalan na ng life support si Garcia.
“Pls be informed that the family of Mr. Eddie Garcia has not authorized nor has it consented to withdrawal of life support. They have however agreed to place him on DNR status. Thank you.”
Pero idinagdag ni Dr. Rebosa na nagkasundo ang pamilya na ilagay ang 90 anyos na aktor sa tinatawag na DNR (“do-not-resuscitate”) status.
Ayon sa MedlinePlus Medical Encyclopedia, ang DNR ay isang medical order ng doktor kung saan inuutusan ang health care providers na huwag nang magsagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) kapag hindi na huminga ang pasyente o huminto na sa pagtibok ang puso nito.
Halos isang linggo nang comatose si Garcia dahil sa “severe cervical fracture” matapos maaksidente sa taping ng bagong programa sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.