Construction worker pinatay ang kapatid sa Cebu

By Len Montaño June 15, 2019 - 12:20 AM

Cordova Police photo

Nahaharap sa kasong parricide ang isang construction worker na pinatay ang kanyang kuya habang sila ay nag-aaway sa kanilang bahay sa Sitio Atabay, Barangay Poblacion, Cordova, Cebu.

Nakakulong sa Cordova Police Station si Eduardo Sitoy, 42 anyos, matapos itong sumuko sa mga pulis dahil sa pagbaril sa kanyang nakatatandang kapatid na si Reynaldo, 55 anyos.

Ayon kay Police Staff Sergeant Reynato Inot ng Cordova Police Station, lumabas sa imbestigasyon na nag-away ang magkapatid araw ng Huwebes.

Sa gitna ng away ay naghagilap anya sina Reynaldo at Eduardo ng mga armas na magagamit laban sa bawat isa.

Cordova Police photo

Hawak ang kutsilyo ay kinompronta umano ng kuya ang nakababatang kapatid nito na armado naman ng .357 revolver.

Sa puntong ito ay binaril ng suspek ang kapatid sa ulo nito.

Sa kanyang pagsuko sa pulisya ay isinuko rin ng suspek ang baril na ginamit nito sa pagpatay sa kanyang kuya.

Wala namang impormasyon kung ano ang pinag-awayan ng magkapatid na Sitoy.

 

TAGS: .357 revolver, binaril, construction worker, Cordova Police, kutsilyo, kuya, magkapatid, nag-away, parricide, pinatay, .357 revolver, binaril, construction worker, Cordova Police, kutsilyo, kuya, magkapatid, nag-away, parricide, pinatay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.