WATCH: Unang teaser ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo

Star Cinema photo

Inilabas na ng Star Cinema ang unang teaser ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye.”

Ang Kathryn-Alden film ay sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Sa twitter ay sinabi ng Star Cinema na ang teaser ay para sa lahat ng mga na-excite sa “Hello, Love, Goodbye.”

Sa pelikula ay mapapanood si Alden na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong kasama si Kathryn habang maririnig ang kanta nina Moira de la Torre at December Avenue na “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw” sa background.

Ang inaabangang pelikula ay unang pagsasama nina Alden at Kathryn na dating may kanya-kanyang ka-love team at mula sa magkaibang networks.

Ang aktres ay mula sa ABS-CBN at kapareha ni Daniel Padilla habang ang aktor ay mula sa GMA at dating ka-love team ni Maine Mendoza sa “AlDub.”

Wala pa namang anunsyo sa petsa ng premiere at showing sa sinehan ng pelikula.

Read more...