Dalia Pastor, nagtatago sa Indonesia

By Jay Dones December 17, 2015 - 04:12 AM

 

Inquirer.net/Tomas Pastor

Nasa Indonesia ang asawa ng napatay na champion race car driver na si Dalia Pastor at nagagawang makapagtago gamit umano ang mga pekeng pangalan.

Si Dalia ang itinuturong mastermins sa krimen ng pagpapapatay sa kanyang mister na si Enzo Pastor.

Kasama umano sa nagplano ng pamamaslang ang kaibigan ni Enzo at sinasabing kalaguyo ni Dalia na si Sandy de Guzman.

Ayon sa impormasyon mula kay Tomas Pastor, ama ni Enzo, nagawang makapag-asawa ni Dalia ng Isang Indonesian at gumagamit na ngayon ng pangalang Amanda Maragit.

Nagawa umanong makabili ni Dalia ng driver’s license mula sa Recto Ave., Manila gamit ang alyas na Amanda Cruz.

Ngayon aniya, batid na nila kung nasaan si Dalia na pangunahing akusado sa pagpatay sa kanilang anak.

Sina Dalia at Sandy de Guzman ay itinuro ng diumano’y gunman sa pagpatay kay Enzo na si PO2 Edgar Angel na siyang nagplano umano sa pagpatay sa mister ni Dalia na si Enzo noong nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.