P2.9M halaga ng pananim na marijuana, sinunog sa Kalinga

Nasa P2.92 milyong halaga ng pananim ng marijuana ang sinunog ng mga otoridad sa Kalinga, Tinglayan araw ng Huwebes (June 13).

Ayon kay Col. Russel Balaquit, acting provincial director ng Kalinga police, winasak ng mga otoridad ang 14,600 na fully-grown marijuana plants sa bahagi ng Barangay Buscalan at Loccong.

May lawak ang sinirang panamin na 1,950 square meters.

Katuwang ng Kalinga police sa operasyon ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Hindi naman nabanggit ng pulisya kung may naarestong magsasaka na responsable sa pananim.

Read more...