22 mangingisdang Pinoy na nakaligtas sa Recto Bank incident, nakauwi na sa Occidental Mindoro
Ligtas na nakauwi sa Occidental Mindoro ang 22 mangingisdang Filipinong sakay ng lumubog na F/B Gimver 1 makaraang mabangga ng isang Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Sa Facebook, ibinahagi ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang status report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ukol sa insidente.
Aniya, sinalubong ang mga mangingisdang Pinoy ni BFAR Regional Director Elizer Salilig kasabay ang pagbibigay ng 22 sako ng bigas.
Sinabi pa ni Piñol na nangako rin si Salilig nang pagbibigay ng 22 fiberglass boat kasama ang makina at mga net.
Matatandaang nagdulot ng alarma ang insidente na kinasangkutan ng mga mangingisang Pinoy at Chinese.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.