Sinabi ni Michael Iva Shau, chief operations officer ng Cebu Pacific, suportado nila ang hakbangin ng gobyerno na mapabilis ang pagsasaayos ng air force base para maging commercial airport.
Binanggit ni Shau, bilang unang hakbangin, ililipat nila ang kanilang turbo-prop operations sa Sangley Airport.
Sa darating na Agosto, inaasahang magsisimula na ang operasyon ng dalawa sa ATR 72-500 aircraft ng Cebu Pacific bilang full freighter planes.
Ang mga turbo-prop aircrafts ay kadalasang nagagamit sa mga runway na may habang 1.2 kilometro.
Sa Pilipinas, 30 lang sa 90 paliparan ang maaring pagliparan at paglapagan ng jet aircrafts.