Cebu Pacific, suportado ang paglipat ng general aviation sa Sangley Airport

By Jan Escosio June 14, 2019 - 07:28 PM

Positibo ang Cebu Pacific na magbubunga nang maganda para sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang paglipat ng operasyon ng general aviation sa Sangley Airport sa Cavite.

Sinabi ni Michael Iva Shau, chief operations officer ng Cebu Pacific, suportado nila ang hakbangin ng gobyerno na mapabilis ang pagsasaayos ng air force base para maging commercial airport.

Binanggit ni Shau, bilang unang hakbangin, ililipat nila ang kanilang turbo-prop operations sa Sangley Airport.

Sa darating na Agosto, inaasahang magsisimula na ang operasyon ng dalawa sa ATR 72-500 aircraft ng Cebu Pacific bilang full freighter planes.

Ang mga turbo-prop aircrafts ay kadalasang nagagamit sa mga runway na may habang 1.2 kilometro.

Sa Pilipinas, 30 lang sa 90 paliparan ang maaring pagliparan at paglapagan ng jet aircrafts.

TAGS: cavite, cebu pacific, NAIA, Sangley Airport, cavite, cebu pacific, NAIA, Sangley Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.