Panahon ng tag-ulan opisyal nang idineklara ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 06:47 PM

Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan.

Sa pahayag, sinabi ng PAGASA na ang naranasang malawakang pag-ulan nitong nagdaang mga araw na dulot ng Habagat at naitala sa karamihan ng PAGASA stations ay patunay na opisyal nang nagsimula ang rainy season.

Sinabi ng PAGASA na asahan na ang patuloy na pag-ulan sa western section ng Luzon at Visayas.

Makararanas pa rin naman ng rainfall breaks o yung tinatawag na “monsoon break” na maaring tumagal ng ilang mga araw o linggo ayon sa weather bureau.

Para sa buwan ng Hunyo, sinabi ng PAGASA na ang rainfall conditions ay aasahang near hanggang above normal sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Habang generally below normal sa maraming lugar sa Mindanao at southern Visayas.

Umiiral pa rin naman ang weak El Niño at maaring tumagal hanggang Agosto.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, rainy season, Pagasa, Radyo Inquirer, rainy season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.