Chinese national na wanted sa China naharang sa NAIA

By Jan Escosio June 14, 2019 - 07:32 PM

FILE PHOTO | NAIA T2
Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang isang Chinese national na kabilang sa mga wanted persons sa China.

Ayon kay BI-Interpol chief Rommel Tacorda, naharang nila ang 42-anyos na si Wu Chuqui sa pagbaba nito ng Cathay Pacific flight sa NAIA Terminal 3.

Kasama si Wu sa red notice list of wanted fugitives ng Interpol kayat agad itong pinabalik sa Hong Kong.

Nabatid na may mga kaso si Wu kaugnay sa money laundering at may warrant of arrest para sa kanya na inilabas ng Public Security Bureau sa Shantou, China noong nakaraang taon.

Nahaharap ito sa pagkakakulong ng hanggang 15 taon kapag napatunayan sa korte ang kanyang pagkakasala.

TAGS: chinese national, fugitive, NAIA, wanter, chinese national, fugitive, NAIA, wanter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.