CBCP nagpalabas ng panalangin para sa kaligtasan ng mga OFWs sa Hong Kong
Para sa kaligtasan ng mga OFWs sa Hong Kong, gumawa ng dasal ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa kanila kasabay ng tensyon dulot ng matinding kilos-protesta.
Ang dasal ay ginawa ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People.
Sa dasal ay hinihiling na mabigyan linaw ang puso at isipan ng mga nagpo-protesta at gobyerno para sa pagkakaroon ng mapayapang solusyon.
Hinihiling din na ilayo at protektahan ang mga OFWs sa anuman kaguluhan at patuloy na makatanggap sila ng kanilang mga pangangailangan, bukod pa sa maayos at maging ligtas sila sa kanilang pagta-trabaho.
Pinaalahanan din ni Santos ang mga OFWs na palagising isaisip ang kanilang kaligtasan at sumunod sa lahat ng abiso mula sa sa konsulado ng Pilipinas.
Tinataya na may 200,000 manggagawang Filipino sa Hong Kong.
Magugunita na naging marahas ang kilos-protesta ng libo-libong Hong Kong nationals na tutol sa itinutulak na batas na magdadala sa Mainland China sa mga lalabag sa mga batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.