Nagtamo ang Golden State Warriors guard Klay Thompson ng anterior cruciate ligament (ACL) sa kasagsagan ng Game 6 kontra sa Toronto Raptors ng NBA Finals.
Tinamo ni Thompson ang knee injury matapos ma-foul nang subukan nitong pumuntos sa pamamagitan ng fast-break layup sa third quarter ng laro.
Bumagsak ang 29 – anyos na manlalaro at ininda ang pananakit ng kaniyang kaliwang tuhod.
Ayon sa Warriors, lumabas sa MRI ang tinamong injury ng 3-point sharpshooter ng koponan.
Sa kabila nito, pinilit pang maglaro ni Thompson para tapusin ang Game 6 ngunit hindi na rin ito nakabalik sa laro.
Hindi pa naman malinaw kung gaano katindi ang knee injury ng manlalaro.
Bago magkaroon ng injury, nakapag-ambag pa si Thompson ng tatlumpung puntos para sa Warriors.