NCRPO nakapagtala ng 1 milyong lumabag sa mga ordinansa sa Metro Manila sa loob ng isang taon
Isang milyon na ang naitalang lumabag sa mga lokal na ordinansa sa Metro Manila.
Ayon sa National Capital Region Police Office, umabot sa isang milyon ang lumabag sa mga lokal na ordinansa sa buong National Capital Region sa loob ng isang taon.
Ang datos ay mula June 13, 2018 hanggang June 13, 2019 kung saan nakapagtala ang NCRPO ng kabuuang 1,116,707 na mga lumabag sa local ordinances.
Ang 746,846 nito ay binigyan ng warning; 209,193 ang mga pinagmulta at 160,668 naman ang mga nakasuhan.
Ang mga ipinapatupad na mga local ordinance ay ang pag-inom sa pampublikong lugar, paninigarilyo, iligal na sugal, walang suot na pang itaas at curfew para sa mga menor de edad.
Pahayag ni NCRPO Director Police Bridger General Guillermo Eleazar, ito ay alinsunod din sa utos ni Pangulong Duterte na mahigpit na ipatupad ang mga local ordinance ng lahat ng Local Government Units sa buong NCR.
Aniya, dahil dito maiiwasan na magkaroon ng mga malaking gulo o kremen, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lahat ng lungsod na sakop ng NCR Police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.