Pagbabalik ng mga basura na galing South Korea isasagawa sa June 30
Sisimula na sa June 30,2019 ang proseso ng pagbabalik ng mga basura na galing South Korea.
Ayon kay Misamis Oriental Representative Juliette Uy, ibabalik na ng South Korea ang mga basurang inimport ng consignee na Verde Soko.
Isang logistics firm aniya ang magsasagawa ng rebagging at pagbiyahe sa mga basura mula sa Phividec patingong pantalan at pasakay ng shipping containers.
Sinabi ni Uy na ang South Korea ang maghahanap at magpo-provide ng barko na pagsasakyan ng mga basura at sasabihan sila ng Pilipinas kapag handa nang mai-biyahe ang 20 container ng basura.
Noong June 13 ay pinagpulungan ang isyu ng pagbabalik sa mga basura at sa nasabing pulong, sinabi ni Uy na hiniling niya sa pamahalaan ng South Korea na ibahagi sa Department of Justice (DOJ) at sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga impormasyon para makatulong sa pagsasampa ng kaso hinggil sa pagdadala dito sa bansa ng basura.
Ani Uy mahigit 5,000 tonelada ang mga basura na ipinasok sa bansa.
Dumating ito sa Port of Tagoloan sa Misamis Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.