LRT-2 may sorpresa para sa mga tatay sa Father’s Day

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 05:47 PM

May sorpresang handog ang LRT line 2 sa mga tatay sa pagdiriwang ng Father’s Day sa June 16 araw ng Linggo.

Sa abiso ng LRT-2, mayroon silang treat para sa mga Daddy at bibigyan sila ng ride na naaayon para sa isang “hari”.

Hindi naman tinukoy ng LRT-2 kung anong partikular na regalo ang kanilang handog.

Ang sorpresa para sa mga tatay ay mangyayari sa Recto at Santolan Stations ng LRT-2 alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at sa Cubao Station mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at alas 3:00 ng hapon hanggang alas 6:00 ng gabi.

TAGS: Father's Day Treat, LRT 2, Radyo Inquirer, Father's Day Treat, LRT 2, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.