Presyo ng produktong petrolyo posibleng magkaroon ng bahagyang pagtaas

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 05:34 PM

Posibleng magkaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ang malakihang rollback sa presyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.

Ayon sa pagtaya ng Jetti Petroleum maaring magkaroon ng 10 centavos hanggang 15 centavos na dagdag sa kada litro ng diesel at 30 hanggang 40 centavos na dagdag sa kada litro ng gasolina.

Ito ay base sa naging paggalaw ng presyo ng oil products sa unang apat na araw ng linggong ito.

Malalaman kung magkano talaga ang magiging paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo base sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

TAGS: diesel, gasoline, oil products, Radyo Inquirer, diesel, gasoline, oil products, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.