PhilHealth nananatiling “business as usual”

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 05:10 PM

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi apektado ang kanilang operasyon sa kabila ng pagbibitiw ng kanilang mga opisyal.

Sa pahayag ng PhilHealth, bukas ang lahat ng kanilang tanggapan sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nananatiling “business as usual” para paglingkuran ang mga miyembro nila.

Wala umanong dapat ipangamba ang mga PhilHealth member dahil tuluy-tuloy ang serbisyo ng kanilang 17 regional offices, 112 Local Health Insurance Offices, 67 PhilHealth Express, 22 Business Centers at 30 satellite offices.

Ang nasabing mga tanggapan ay bukas araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00am hanggang 5:00pm.

Sinabi rin ni Dr. Shirley Domingo, Vice President for Corporate Affairs Group at opisyal na tagapagsalita ng PhilHealth, tuloy ang serbisyo nila sa 1,250 ospital, 636 primary care facility, 2,654 maternity care package provider at iba pang mga pasilidad.

Para sa mga miyembro na may concern o katanungan ay maaring tumawag sa Action Center sa telepono bilang 441-7442 o mag-email sa [email protected]

TAGS: Health, health insurance, philhealth, Health, health insurance, philhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.