3 miyembro ng NPA patay sa bakbakan sa Oriental Mindoro
Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sumiklab na bakbakan sa Mansalay, Oriental Mindoro.
Ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA Police Regional Office, naganap ang engkwentro sa pagitan ng rebeldeng grupo at 4th Infantry Battalion ng Philippine Army sa bahagi ng Sitio Kalibang sa Barangay Panaytayan bandang alas 3:10, Huwebes (June 13) ng hapon.
Hindi bababa sa 40 miyembro ng NPA ang kabilang sa bakbakan.
Tumagal ng tatlong oras ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang panig na umabot pa hanggang sa Sitio Mawan.
Maliban sa mga bangkay ng tatlong NPA member, narekober din ng militar ang tatlong M16 at isang AK47 rifle sa lugar.
Patuloy naman ang ikinasang follow-up operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army laban sa rebeldeng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.