Maxene Magalona pinagupitan na ang mahaba niyang buhok para i-donate sa cancer patient

Nagpagupit ang aktres na si Maxene Magalona ng kaniyang buhok para ibigay sa mga pasyente na may sakit na cancer.

Sa Instagram, nag-post si Maxene ng larawan kung saan makikita ang kaniyang bagong hairstyle at dami ng ibibigay na buhok.

Sinabi ni Maxene na matagal siyang natakot na magpagupit nang maigsi dahil sa kaniyang balakang.

Ngunit, ang asawang si Rob Mananquil aniya ang nagtulak sa kaniya para magpagupit at ibigay sa mga nangangailangan.

Ibinigay ni Maxene ang kaniyang buhok sa charity organization na “Hair for Hope.”

Sa nasabing organisasyon ginagawa ang mga wig para makatulong na mabalik ang kumpiyansa at lakas ng loob ng mga cancer patient.

Read more...