Ilang local holidays idineklara ng Malakanyang

By Angellic Jordan June 14, 2019 - 04:15 PM

Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang ang ilang special non-working holiday sa iba’t ibang probinsya sa bansa ngayong buwan ng Hunyo.

Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makasama sa selebrasyon sa ilang pagdiriwang sa kanilang lugar.

Sa inilabas na Proclamation No. 732 noong June 18, special non-working holiday sa Sta. Maria, Negros Occidental para idaos ang kanilang founding anniversary.

Sa Proclamation No. 735 noong June 15, special non-working holiday din sa Angeles City, Pampanga para sa paggunita sa hagupit ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo taong 1991.

Samantala, sa proclamation no. 736, bibigyan ng pagkakataon ng mga residente ng General Santos City para ipagdiwang ang kanilang ika-limampu’t isang Charter Anniversary sa June 15.

Sa proclamation no. 737, idineklara bilang special non-working holiday sa Lapu-Lapu City sa Cebu para sa kanilang ika-limampu’t walong Charter Anniversary.

Sa Bindoy, Negros Oriental naman special non-working holiday din sa June 17 para sa kanilang ika-pitumpung Charter Anniversary at ika-limampu’t dalawang anibersaryo ng Maco sa Compostela Valley.

Pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang lahat ng nabanggit na proklamasyon base sa pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Angeles City, General Santos City, Lapu-Lapu City, local holidays, Negros Occidental, Negros Oriental, presidential proclamation, Angeles City, General Santos City, Lapu-Lapu City, local holidays, Negros Occidental, Negros Oriental, presidential proclamation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.