Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa abiso na inilabas alas 3:25 ng hapon (June 14) moderate hanggang heavy rainshowers ang mararanasan sa Metro Manila, Bataan, Laguna, Pampanga, Tarlac, Batangas, Rizal, Quezon at Cavite.
Ang nasabing lagay ng panahon ay nararanasan na sa Botolan, Cabangan at San Felipe sa Zambales; General Tinio, Gabaldon, at Gapan sa Nueva Ecija; Dona Remedios Trinidad, San Miguel, San Rafael, at Angat sa Bulacan.
Pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibilidad ng pagbaha at landslides.
\
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.