Naisilbi na at naipatupad na ng kanilang Regulatory Enforcement Unit ang Summons with Preventive Measure Order (SPMO).
Sa ilalim ng SPMO ay inaatasan ang Shopee Philippines at ang Lazada Philippines na agarang magpatuapd ng cease and desist order sa online selling at pag-aalok ng drug products.
Ito ay hangga’t walang License to Operate (LTO) na nakukuha ang dalawang online stores mula sa FDA.
Bago ito ay nagpalabas ang FDA ng Advisory No. 2019-154 noong June 11, 2019 at binabalaan ang publiko laban sa online na bentahan ng mga gamot lalo na ng antibiotics at steroids.
Layunin ng babala na matiyak na ligtas ang publiko sa mga produktong gamot na kanilang nabibili.
Ayon sa FDA ang mga gamot na nabibili online ay maaring hindi sumailalim sa pagsusuri at maaring hindi mabuti sa kalusugan ng publiko.