22 mangingisdang Pinoy na nakaligtas sa Recto Bank incident, darating na sa Occidental Mindoro

Nakatakdang dumating sa San Jose, Occidental Mindoro ang dalawampu’t dalawang mangingisdang Filipinong lulan ng bangkang nabangga ng isang Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS), araw ng Biyernes.

Naghihintay sa pagdating ng mga Pinoy ang kanilang mga kaanak at ilang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sasailalim ang mga Pinoy sa medical check-up at debriefing oras na makadating sa bayan ng San Jose.

Maliban dito, hihingan din ng pahayag ang mga Pinoy kung ano ang nangyari noong June 9.

Nangako naman si Mayor Romulo Festin na magbibigay ng tulong sa Pinoy crew members at mga pamilya nito.

Umaasa rin si Festin na seseryosohin ng administrasyong Duterte ang insidente at mabigyan ng hustiya.

Read more...